Isang Artikulong tungkol sa Eiði munisipalidad
Ang artikulong ito o teksto ay sinulat ni Cyrile Rose Medina, at ako’y narito upang makalikom ng karanasan sa trabaho.
Pangalan : Cyrile Rose Medina
Edad : labing limang taon gulang
Kapanganakan : Oktubre dalawampu´t, dalawang libo´t tatlo
Saan nakatira: Eiði
Saan nagmula : Philippines
Kailan ka pa lumipat sa Faroe Islands : Oktubre dalawampu´t, dalawang libo´t tatlo
Eiði Munisipalidad (Eiðis kommuna) ay isa sa mga dalawampu´t siyam na munisipyo sa Faroe Islands. Ang bayan ng Eiði ang sentro ng administratibo. Ang lugar na ito ay sa may hilagang bahagi ng Eysturoy.
sa dalawang libo´t labing siyam na munisipalidad ay may populasyon na humigit-kumulang na pitong daa’t apatnapu katao. Naglalaman ito ng mga nayon na Eiði, Ljósá at Svínáir.
Ang alkalde ng munisipalidad mula pa noong dalawang libo´t labing tatlo ay si Jógvan í Skorini. Ang halalan ay tuwing apat na taon at ang huling isa ay noong dalawang libo´t labing pito. Ang mga botante ay pipili ng pitong pulitiko upang patakbuhin ang munisipalidad. Ang pitong pulitiko ang pipili kung sino ang magiging alkalde.
Sa Eiði may isang kindergarden (korndalsgarður) kung saan ang mga bata mula sa edad na zero hanggang anim na dumalo. Ang mga bata ay pupunta sa lokal na paaralan mula sa edad na anim hanggang labing tatlo, para sa mga teenagers naman ay papasok kung saan ang malapit na paaralan.
Atsaka mayroon din sa Eiði na tahanan para sa mga matatanda (korndalsbýlið). Labing lima na matatanda ang nakatira sa bahay na iyon.
Ang municipality naglalaman ng Lake Eiði, na matatagpuan sa pagitan ng Eiði at Ljósá sa hilagang-kanluran ng Eysturoy. Ang ilog ng Breiðá dumadaloy sa malapit. Eiði power plant, ang pinakamalaking hydroelectic power station sa Faroe Islands, ay namamalagi sa baybay dagat. Ang power plant ay binuksan noong isang libo´t siyam walumpu´t pito, at pagmamay-ari ng power producer and distributor SEV. Isang metro (330 piye) ang haba ng tubo na may kakayahang humawak ng 17,000,000 m3 ng tubig, nagbibigay tubig sa halaman, na tumatakbo mula sa tunel na humahantong sa isang kalapit na bundok.
Slættaratindur ang pangalan ng pinakamataas na bundok sa Faroe Islands na may taas na 880 metres (2,890 piye) ay matatagpuan sa munisipalidad ng Eiði.
Ang pangunahing isport sa munisipalidad ay handball (EB) at football (EB-Streymur). Sa Eiði mayroong isang handball center at football stadium